₱19.65 bilyong halaga ng benepisyo para sa mga health workers, naipamahagi na ng DOH!

Nakapagbigay na ang Department of Health (DOH) ng ₱19.65 bilyong halaga na benepisyo para mga healthcare workers.

Ito ay batay sa accomplishment report ng DOH simula noong July hanggang nitong December 2022, kabilang ang hazard pay sa mga benepisyong ibinigay nila sa mga medical personnel.

Ayon sa DOH, nasa 1,624,045 healthcare workers din ang nakatanggap ng kanilang one COVID allowance (OCA) o ang health emergency allowance (HEA), habang 73,711 workers ang nabigyan ng special risk allowance (SRA).


Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bukas ang kaniyang opisina para pag-usapan ang mga concern ng mga nurse at iba pang healthcare workers.

Facebook Comments