PAGBOBOTOHAN | Pagkilala sa Jerusalem bilang capital ng Israel, pinababawi

Amerika – Nakatakdang pagbotohan ng United Nations Security Council ang draft resolution ng pagbawi ni U.S. President Donald Trump sa pagkilala niya sa Jerusalem bilang kabisera ng Israel.

Siyam na boto mula sa 15 miyembro ng konseho ang kailangan para maipasa ang resolusyon.

Laman din ng resolusyon ang panawagang magsagawa ng diplomatic mission sa Jerusalem.


Matapos kasi ang naging anunsyo ni Trump, sumiklab ang gulo mula sa mga Palestino na kontra sa nasabing pahayag.

Facebook Comments