Hindi maaaring kung sino na lang ang iboboto sa darating na Mayo 13 para sa senatorial at lokal na opisyal ng gobyerno at hindi maaari ang “Bahala na” sa mga magiging pinuno ng pamahalaan, iyan ay ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ito ang paalala ng kardinal sa mga kabataan kaugnay Special Election ng Simbahan na may temang ‘Godly Vote’.
Paliwanag pa niya, sa kabila ng limitasyon ng kumikilatis at kinikilatis ay hindi dapat mauwi sa hindi pagboto at kailangan na may pagpapakumbaba.
Mahirap naman na ‘kung sino na lang ang iboboto’ kadalasan ganon kasi ang nagiging attitude ng mga botante, dagdag pa ng kardinal.
Inihayag ni Cardinal Tagle na ang pagboto ay kalayaan at kakayahan ng bawat isa subalit dapat itong ibatay sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanan, karapat-dapat at ayon sa konsensya na makakatulong sa bansa.