Inaprubahan na ng Commission on Appointments o CA ang mga amyenda o pagbabago sa rules nito.
Pangunahin dito ang secret voting kung saan maari ng gawin ng palihim ang pagboto ng mga miyembro sa kumpirmasyon ng mga opisyal ng pamahalaan na itinalaga ng pangulo.
Ayon kay CA Assistant Majority Leader Senator Tito Sotto III, sa pamamagitan ng secret voting ay masusunod ng mga miyembro kung ano ang idinidikta ng kanilang konsensya na pwede rin naman nilang ihayag sa publiko kung gugustuhin nila.
Kasabay nito, ay aprubado na rin ang 3 strike rule kung saan desisyunan na ng CA kung reject o confirm ang appointment ng isang nominado kung ito ay tatlong beses ng na-bypass.
Pinaikli din sa isang araw mula sa dating tatlo araw an notice ng CA hearings habang pwede ng maging miyembro ng CA standing committees maliban sa rules and accounts committee ang lahat ng 25 miyembro nito.
Facebook Comments