Overseas voting ng mga Pinoy sa abroad, kasado na ngayong araw

Nakahanda na ang Philippine Consulate sa Barcelona sa pag-arangkada ng overseas voting ngayong araw, April 10.

Noong April 5 ay nagsagawa ang konsulada ng testing at sealing procedure upang masiguro na plantsado na ang lahat para sa pagsisimula ng Overseas Voting

Nagsagawa rin sila ng mock voting upang masubukan ang mga Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin.


Dito ay sinubukan ang ilang mga senaryo tulad ng undervoting, overvoting at ang maling shading sa balota upang masubukan kung tama ang basa ng makina.

Tinatayang nasa 1.6 milyong Pilipino ang overseas voter sa mundo kung saan may isang buwan ang mga ito upang makaboto bago ito magsara sa May 9.

Facebook Comments