Lal-lo, Cagayan – “Sana hindi mabahiran ng politika ang nakatakdang pagbubukas ng Cagayan North International Airport”, ito ang naging personal na reaksyon ni Vice Mayor Oliver Pascual.
Sinabi pa ng bise mayor na ang kahalagahan ng bagong paliparan sa Lal-lo ay hindi lamang para sa kanyang bayan kundi sa buong lalawigan.
Umaasa pa si VM Pascual na hindi na magkakaroon ng problema at patuloy na ang operasyon ng CNIA dahil mayroon naman umanong public and private partnership ang naturang airport.
Aniya, ilang taon nang naitayo ang CNIA kung saan panahon na umano na makapag-umpisa ito upang umangat ang developtment ng bayan maging ang buong Cagayan.
Samantala sumasang-ayon ang bise mayor sa naging plano kamakailan ni Governor Manuel Mamba na magkaroon ng airport sa bayan ng Tuao dahil ito nman umano ay para sa mga cagayanos partikular sa 3rd. district o 2nd. district.