Pagbubukas ng iba pang industriya, pinag-aaralan na rin ng DTI

Pinag-aaralan na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang unti-unting pagbubukas ng iba pang industriya.

Partikular sa mga lugar na nakikitaan na ng pagbaba sa kaso ng COVID-19 o downtrend ng mga nagkakasakit at may pagtaas ng kapasidad ng mga ospital.

Tiniyak naman ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang ginagawa ng DTI ay palaging nakaayon sa ligtas at calibrated na pagbubukas muli ng ekonomiya.


Kumpiyansa ang kalihim na maibabalik na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus.

Gayunman, kahit aniya maibalik sa GCQ ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan, magiging mahigpit pa rin ang paiiraling localized lockdown.

Facebook Comments