Ilan lamang ito sa mga masasayang bagay na ibinahagi ni ISU System President Dr. Ricmar Aquino.
Kamakailan nga ng buksan ang Sustainable Development Goals (SGD) Center sa loob ng ISU Cauayan campus na makakatulong umano sa paglago ng ating ekonomiya.
Bukod dito, sasanayin naman ang mga nagwagi sa Hackathon Seminar na magiging katuwang nila sa naturang mga proyekto.
Kasama rin sa mga binuksan ang SWIM Facility na naitayo sa ISU main campus na layong tulungan ang mga magsasaka para patubigan ang mga pananim na palay.
Naglaan ng halagang 78 million pesos para sa naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng DPWH, NIA, DENR at ang Local Government Unit ng Cauayan, kasama ang tanggapan ni Isabela 6th District Congressman ni Inno Dy V na siya namang sponsor ng naturang proyekto.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pananaliksik ng DOST at ISU para malaman kung saan ang mismong pinanggalingan ng mga tubig para maprotektahan at para tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo mga mamamayan ng Region 2.
Gayundin, ang pag-upgrade ng mga kagamitan para sa mga kababayan na magsasaka.