MANILA – Naging maayos sa pangkalahatan ang pagbubukas ng klase sa buong bansa kahapon.Ito ang sinabi ni Deped Asec. Tonisito Umali sa kabila ng ilang report hinggil sa pagpapatupad ng Senior High School program.Ayon kay Umali may mga report na nagsasabing mababa ang enrolees sa public Senior High School pero hindi dito dapat ibase ang kabuuang bilang mga nag-enroll sa nasabing programa.Naniniwala rin si DepEd outgoing Secretary Bro. Armin Luistro na ang pagbubukas ng klase kahapon ang isa sa maituturing na pinaka-maayos na pagbabalik eskwela ng mga estudyante kasabay ng paglulunsad ng K to 12 program.Para naman kay incoming DepEd Secretary Leonor Briones, kailangan pa rin dagdagan ang budget ng edukasyon.Kahapon, kasamang nag-ikot ni Luistro si Briones sa Commonwealth Highschool sa Quezon City.
Pagbubukas Ng Klase – Naging Matagumpay Ayon Sa Deped
Facebook Comments