Inalmahan ng ilang grupo ng mga guro ang panukala ng Department of Education (DepEd) na pagbubukas ng school year 2021-2022 sa Agosto 23.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition Chairman Benjo Basas na hindi nila ito matatanggap dahil una sa lahat, walang konsultasyong naganap sa hanay ng mga guro bago magtakda ng petsa.
Ikalawa, kinakailangang bigyan ng pamahalaan ang mga guro ng sapat na pahinga dahil Hunyo pa lamang noong nakaraang taon ay nagtatrabaho na ang mga ito para sa paghahanda ng new normal classes.
Dahil dito, iminungkahi ni Basas na kung Hulyo matatapos ang klase ay dapat Setyembre na simulan ang susunod na school year.
Facebook Comments