Mga donasyong medical supplies para sa India, unti-unti nang dumating

Lumapag na sa India ang nasa 100 ventilators at 95 oxygen concentrators na donasyon galing sa Britanya.

Parating na rin ang oxgen generators mula France na makakapagbigay ng isang taong halaga ng oxygen gas para sa 250 pasyente.

Sinimulan na rin ang kauna-unahang oxygen express sa siyudad ng New Delhi bitbit ang nasa 70 tonelada ng oxygen na ibinigay ng Eastern States.


Samantala, ginagawan na rin ng paraan ng World Health Organization ang pagde-deliver sa 4,000 oxygen concentrators sa nasabing bansa.

Facebook Comments