PAGBUBUKAS NG KLASE SA DAGUPAN CITY TULOY SA KABILA NG NARARANASANG HIGH TIDE

Bunsod ng nararanasang pagbaha sa Dagupan City ay tiniyak ng pamunuan ng Dagupan City Schools Division Office na hindi maapektuhan ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa lungsod sa August 22, 2022.
Ito ay sa kabila ng ilang araw ng naranasang pagbaha sa ilang lugar sa lungsod partikular na sa umaga dulot ng high tide habang ilang mga silid-aralan din ang nagtamo ng pinsala sa naganap na Magnitude 7 na lindol noong July 27, 2022.
Kinumpirma ni Dr. Aguedo Fernandez, Dagupan City School Division Superintendent, una nang iniulat ng DepEd Regional Office 1 na may mga paaralan sa lungsod ang naapektuhan sa naganap na pagyanig.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi ito magiging hadlang sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto dahil may mga nakalatag ng contingency plan ang mga school heads sa mga apektadong paaralan sa lungsod.
Samantala,hindi rin makaka-apekto ang ilang araw ng pagbaha sa lungsod dulot naman ng high tide lalo na sa umaga. | ifmnews
Facebook Comments