Pagbubukas ng klase sa Metro Manila, hindi maaapektuhan ng quarantine classification

39

Walang epekto sa pagbubukas ng klase sa August 24 ang magiging susunod na quarantine classification ng Metro Manila at mga karatig na lugar.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil wala namang ipatutupad na face-to-face classes.

Blended learning naman aniya ang gagamitin ng Department of Education (DepEd) sa pagtuturo sa mga estudyante.

Kasunod nito, sinabi ng kalihim na magpapatuloy ang pagbubukas ng klase sa August 24, lalo’t sa kasalukuyan ay walang utos si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ito.

Facebook Comments