Ito ang inihayag ni DOT Regional Director Fanibeth Domingo sa isinagawang Regional Tourism Assembly sa Santiago City nitong Biyernes, Marso 18, 2022 na dinaluhan ng mahigit 200 tourism stakeholders kabilang na ang mga tour operators mula sa iba’t-ibat probinsya ng rehiyon dos.
Sa naturang aktibidad, unang iprinesenta sa mga dumalo ang mga naging accomplishments at natanggap na parangal ng DOT noong 2019 hanggang ngayong panahon ng pandemya.
Nagkaroon din ng ‘open forum’ sa pagitan ng mga dumalo sa aktibidad at mga tauhan ng DOT sa pangunguna ng kanilang Regional Director na kung saan ay nailatag ng mga nasa iba’t-ibang sektor ng turismo ang kanilang mga hinaing at problema na nabigyan naman ng kasagutan ng naturang ahensya.
Ayon kay RD Domingo, batid aniya ng lahat na ang turismo ang isa sa pinaka-apektado ng pandemya na ngayon ay unti-unti pa lamang bumabangon dahil na rin sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.
Sa muling pagbabalik ng mga matagal nang naipasarang negosyo na may kaugnayan sa turismo ay tiniyak naman ni RD Domingo na susunod pa rin ang mga ito sa health protocols.
Dapat ay nakahanda rin aniya ang mga LGU sa muling pagbubukas ng turismo sa kanilang nasasakupang lugar.
Kaugnay nito, hinihikayat ang mga unaccredited tourism enterprises na kumuha na ng DOT accreditation na kung saan ay maaaring mag-apply online sa www.accreditation.tourism.gov.ph.