Pagbubukas ng LRT-2 East Extension, iuurong sa Hunyo – DOTr

Hindi na matutuloy ngayong buwan ang nakatakdang pagbubukas ng dalawang bagong istasyon ng Light Rail Transit (LRT-2) patungong Rizal Province.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ang pormal na inagurasyon ng LRT-2 East Extension Project ay iuurong sa June 23, 2021 mula sa orihinal na schedule nito na April 26.

Ang pagpapaliban ng opening ay bunga ng COVID-19 situation.


Layunin din nitong maprotektahan ang mga manggagawa sa naturang railway system at ang riding public.

Ang mga foreign rail experts na iinspeksyon para sa final stages ng installation, testing, at commissioning works ng proyekto ay hindi makapag-report sa trabaho o makapasok sa Pilipinas dahil sa mahigpit na restrictions.

Kapag nabuksan ang proyekto, ang biyahe mula Manila patungong Antipolo ay magiging 40-minuto na lamang mula sa dating tatlong oras.

Madadagdagan din ang pasaherong sumasakay sa LRT-2 sa 80,000 pasahero kada araw.

Facebook Comments