Nagbukas na ang Malasakit Center sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City at Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan ng Isulan.
Pinangunahan ni former Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go ang opening ng ika 16 at 17 na Malasakit Center sa bansa.
Layunin ng Malasakit Center ay para makatulong sa maralitang residente lalo na sa mga PWD at mga Senior Citizens na maka avail ng libreng medical services mula sa pamahalaan.
Sa Cotabato City, lubos na nagpapasalamat si CRMC Chief of Hospital Dra. Helen Yambao sa nanging inisyatiba ng administrasyong Duterte, magiging malaking tulong aniya ito di lamang sa CRMC kundi sa kanilang siniserbisyuhang mga pasyente na nagmumula pa sa North Cotabato, Lanao Del Sur, Maguindanao at Cotabato City. Nagkaloob naman ng paunang 5 milyong pisong tseke bilang subsidy sa Malasakit Center ng CRMC ang pamahaalang Duterte .
Samantala sa bayan ng ISULAN, dinumog ng libo libong mga residente ang pagtungo ni Go kasabay rin ng pagbubukas ng Malasakit Center . Sinamahan si Go ni Sultan Kudarat Congressman Teng Mangudadatu at may bahay nitong si Datu Abdullah Sangki Mayor Bai Mariam.
Hindi naman maitago ang kasayahan ng mga residente ng mga nabaggit na lugar kasabay ng pagbubukas ng Malasakit Center.
Nauna na ring binuksan ang mga Malasakit Center sa Cebu, Tacloban, Iloilo, Bacolod, Puerto Princesa, Philippine General Hospital (PGH) Manila, Maasin, Dumaguete, Davao, Pampanga, Tagbilaran, Butuan, Cagayan de Oro, Zamboanga, at Legazpi.
Pagbubukas ng Malasakit Center sa Cotabato at Isulan nagbigay saya
Facebook Comments