Naghahanda naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa muling pagbubukas ng non-contact sports sa loob ng probinsya.
Kaugnay nito, nagpulong ang Pangasinan Sports Development and Management Council (PSDMC) at Deputy Executive Office.
Magsisimula naman sa tatlong non-contact sports ang bubuksan sa mga pangasinense, kabilang na dito ang Table Tennis, Badminton at Chess.
Ang mga Pangasinenseng may edad 18 hanggang 64 ang maaaring lumahok sa mga nabanggit na sports.
Adhikain umano ng pamahalaang panlalawigan na manumbalik ang mga Sports Activities sa Pangasinan habang mahigpit na pinapatupad ang health protocols.
Isa sa mga pinag-aaralan na hakbang ang pagsailalim ng mga manlalaro sa antigen test bago ang bawat laro, kasama na rito ang kanilang mga coach, magulang.
Tiniyak din ng psdmc na malinis ang nrscc gymnasium kung saan nakatakdang ganapin ang mga nasabing laro.