Nagpapatupad na rin ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ng limitadong oras ng pagbubukas ng mga pampublikong palengke sa lungsod.
Sa Sampaloc Market sa Legarda, nakalagay sa karatula na ang magiging operasyon muna pansamantala ng palengke ay mula alas otso ng umaga hanggang alas dies ng umaga at sa hapon mula alas alas tres hanggang alas singko ng hapon.
Ayon kay Ginoong Marcos Libres, dating presidente ng sampaloc public market, nanggalingang utos sa Manila City Hall para sa limitadong oras muna ng pagbubukas ng palengke.
Kumporme naman ang mga vendors at ng mga mamimili ang bagong panuntunan na ito ng City Hall.
Nag-a-adjust narin ang mga mamimili sa bagong panuntunan na ito sa limitadong oras na bukas ang palengke.
Karamihan sa mga mamimili at mga tinder at tindera ay nakasuot narin ng face mask at ang iba ay may baon naring kanya-kanyang alcohol bilang proteksyon sa kanilang mga sarili kontra sa COVID.