Pinabibilis na ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang pagiging operational ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) sa buong bansa.
Ang PMVICs ay privately owned automated vehicle inspection facilities na hindi lamang susuri sa compliance ng sasakyan sa emission standards kundi pati pag-test sa roadworthiness bago maiparehistro.
Ayon sa ulat ng DOTr, tuloy -tuloy na ang occular inspections ng PMVIC Authorization Committee sa mga pasilidad para lang makatiyak na nakakatugon ang mga ito sa pamantayan at requirements sa activation.
Sa kabuuang 138 na identified sites, 113 na ang naigawad sa private operators at 25 sites na lang ang natitira.
Target na magiging operational ang 32 sites sa buong bansa sa huling linggo ng Agosto, habang 29 naman sa Setyembre, 14 sa Oktubre, 3 sa Nobyembre, 5 sa Disyembre at 25 sa Enero 2021.