Pagbubukas ng Siffu Bridge sa mga Motorista Ngayong Araw, Pinabulaanan ni DE Bong Ubiña!

*Cauayan City, Isabela- *Nilinaw ni Engr. Bong Ubiña ng 2nd District ng DPWH na HINDI pa pwedeng daanan ng lahat ng klase ng mga sasakyan ang Siffu Bridge sa Roxas, Isabela matapos ang kumakalat na pagbibigay anunsyo na maaari na itong madaanan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Engr. Ubiña, maari lamang daanan ng mga residente ang temporary steel Siffu Bridge habang ang mga light vehicles ay pinapadaan muna sa alternatibong linya.

Aniya, kasalukuyan pa rin ang kanilang rehabilitasyon kaya’t hindi pa ito pormal na binubuksan sa lahat ng mga motorista lalo na ang mga malalaking sasakyan o trailer truck.


Kaugnay nito ay puspusan naman ang kanilang patuloy na paggawa sa nasirang tulay upang matapos na ito sa lalong madaling panahon.

Patuloy rin anya ang kanilang paglalagay ng mga warning at safety signages upang mabigyan ng gabay ang mga dadaan at makaiwas sa aksidente.

Ayon pa kay Ubiña, magbibigay paanunsyo sila sa publiko para sa pormal na pagbubukas ng tulay sa publiko kung mayroon ng paabiso ang DPWH Region II.

Facebook Comments