Pagbubukas ng sinehan at iba pang negosyo, mahalaga sa pagbangon ng ekonomiya

Naiintindihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng pandemic task force sa pagbubukas ng mga sinehan at iba pang negosyo sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay mahalaga para buhayin ang ekonomiya.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na buksan ang mga sinehan, video at inter-active game arcades, libraries, museums at iba pang negosyo sa kabila ng pangamba ng local government officials sa posibleng pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinag-iisipan talaga ng Pangulo kung paano makababangon ang bansa.


Punto pa ni Roque, isa ang Pilipinas sa may pinakamabagal ang pagbangon sa buong mundo bunga na rin ng pinakamatagal na lockdown.

Naniniwala naman si Roque na posibleng umangat ang ekonomiya ng bansa habang nagpapatuloy ang pandemya dahil marunong na ang mga tao na protektahan ang kanilang mga sarili.

Sa taya ng World Bank nitong Setyembre 2020, babalik lamang sa pre-pandemic level ang ekonomiya ng bansa sa ika-apat na kwarter ng 2021.

Facebook Comments