Maaantala ang pagbubukas ng Skyway Stage 3.
Ito ay matapos bumigay ang isang bahagi nito na nadamay sa sunod sa Pandacan, Maynila nitong Sabado.
Ayon kay San Miguel Corporation President Ramon Ang – nakatakda na sanang buksan sa mga motorista ang proyekto sa darating na Mayo pero mauudlot ito ng tatlong buwan.
Pero sisikapin nilang matapos ang proyekto ngayong Hulyo.
Sinabi naman ni DPWH Director IV Alex Bote – maaaring umabot ang konstruksyon sa huling kwarter ng taon, depende sa magiging assessment sa lagay ng tulay.
Iginiit din ni Bote na hindi substandard ang mga materyales na ginamit sa pagtatayo nito.
Inaalam pa ng pamunuan ng Skyway kung gaano kalaki ang naging epekto ng sunog sa katatagan ng istraktura.
Malaki ang posibilidad na kailangang palitan ng bago, hindi lang ang parteng bumagsak kundi pati na rin ang ibang bahagi nito na nangitim dahil sa sunog.