Pagbubukas sa foreign ownership sa mga public utilities, magbubukas umano ng maraming trabaho sa bansa

Naniniwala si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, na lilikha ng mas maraming trabaho sa bansa ang pag-apruba sa pag-amyenda sa Public Service Act.

Ayon kay Salceda, mas maraming trabaho ang malilikha kapag naging batas ang panukala na magbubukas sa dayuhang pagmamayari sa sektor ng trasportasyon, kuryente at komunikasyon.

Sabi ng mambabatas, kapag naisabatas na ang kanyang panukala na House Bill 78 o ang amyenda sa Public Service Act magiging katapusan ito ng unfair protection sa lahat ng sektor at pagsigla ng ekonomiya.


Nauna rito, inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ng panukalang amyenda sa PSA kung saan papayagan na magkaroong ng 100% ownership ang mga dayuhan sa kuryente, transportasyon at komunikasyon.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas pinapayagan lamang ang mga banyaga na mag may-ari ng mga kumpanya sa nasabing sektor ng hindi hihigit sa 40 porsyento.

Facebook Comments