Pagbubukas sa mga dayuhang turista ng borders ng Pilipinas, epektibo na bukas

Epektibo na bukas, February 10 ang pagbubukas ng borders ng Pilipinas sa fully vaccinated na mga dayuhang turista.

Tiniyak naman ng Bureau of Immigration (BI) na nakahanda na ang kanilang mga tauhan sa inaasahang pagdagsa ng foreign tourists sa bansa.

Sa panig naman ng Department of Tourism (DOT), tiniyak ni Sec. Bernadette Romulo-Puyat na sinisikap nilang mapabilis ang pagbibigay ng booster shots sa mga mangagawa sa sektor ng turismo.


Una nang nilinaw ng BI na hindi lahat ng fully-vaccinated na mga dayuhan ay welcome pumasok ng Pilipinas.

Ang mga dayuhang turista lamang na papayagang makapasok ng Pilipinas ay ang mula sa 157 na mga bansa na kasama sa listahan sa ilalim ng executive order.

Nangangahulugan ito na sila lamang ang maaaring mag-avail ng visa-free privilege.

Kabilang dito ang Canada, Japan, Singapore, USA, New Zealand, Malaysia, at South Korea.

Facebook Comments