Tobacco Farmers sa Tuguegarao City, Tumanggap ng Tulong Pinansyal

33
Cauayan City, Isabela- Naipamahagi na sa mga Tobacco farmers ang kanilang Excise Tax sa Lungsod ng Tuguegarao.

Umabot sa tig- isang daan at anim na libong piso (106,000.00) ang ipinagkaloob sa mahigit kumulang 200 na registered Tobacco Farmers sa naturang siyudad para sa taong 2018 at 2019.

Tanging ang LGU Tuguegarao City lamang ang nagbabalik ng excise tax sa mga magsasaka nito kung saan 50% ang naibabahagi nito mula sa share ng LGU.

Personal namang dinaluhan ni City Mayor Jefferson Soriano at iba pang lokal na opisyal ang pagsasagawa ng distribusyon ng financial assistance.

Facebook Comments