Maging ang Sektor ng Overseas Filipino Workers ay tinamaan na rin sa anilay “Pahirap Policy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa usapin ng TNVS hachback.
Sa isang Presscon, ipinaabot ni ACTS-OFW Partlylist Cong. Aniceto”John” Bertiz III kay Lawyers for Commuters for Safety and Protection Atty Ariel Inton na maraming mga OFW’s ang pumasok na sa negosyo ng TNVS.
Marami sa kanila ang bumili ng hachback unit para ipaghanap buhay bilang TNVS .
Umaasa sila na sa mandato ng LTFRB Memo Circular 2018-005 ay may hanapbuhay sila kahit hanggang February 2021.
Ayon kay Atty Inton , nawalan ng pagasa ang mga ito ng bigla nalang maisip ng LTFRB na i ban ang hatchback.
Sa panig ng Commuters group , nalalabuan sila sa Polisiya ng LTFRB.
Isyu ng sigurudad ang pangunahing dahilan nito para huwag nang payagan na makapagbiyahe ang hacthback pero isang opisyal ng LTFRB ang nagsabi na may ilang hachback ang pinayagan na makapag operate matapos makatugon sa mga requirements.
Paliwanag pa ni Atty Inton , tama lang na sinampahan ng Mandamus case ang LTFRB para magkaroon ng linaw ang usapin at kanilang ipatupad ang Transition period na tatlong taon o hanggang Pebrero 2021 kung saan pinapayagan pa ang hatchback.