Anim, patay sa nangyaring sunog sa Caloocan

Patay ang anim katao matapos masunog abg isang bahay sa Brgy. 176, Bagong Silang, North Caloocan.

Nanlulumo ngayon ang mister na si Albert Basas, dahil bukod sa kaniyag misis at pamangkin nasawi din ang apat sa lima niyang anak.

Habang ang 13-anyos na panganay ay kasalukuyang nasa ospital dahil sa tinamong second degree burn.


Nabatid na construction worker sa Bulacan si Albert at tuwing weekend ito umuuwi pero hindi siya nauwi kahapon dahil kinailangan mag-overtime para may extrang kita.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Caloocan, walang kuryente sa bahay ng mga biktima at tanging gasera ang gamit nila na posibleng dahilan ng sunog.

Humihingi naman ng tulong ang pamilya para sa pagpapalibing sa mga nasawing biktima.

Facebook Comments