Lumusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapataw ng buwis sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa botong 198 pabor, 13 tutol at dalawanng abstain ay tuluyan nang inaprubahan sa Kamara ang House Bill 5777.
Inaamyendahan ng panukala ang Section 25 ng National Internal Revenue Code of 1997 (NIRC) kung saan sinumang non-resident alien na nagta-trabaho sa POGO na may operasyon sa bansa ay papatawan ng buwis.
Inaasahan na sa pagbubuwis na ipapataw sa mga POGOs ay kikita ang gobyerno ng P45 Billion kada taon.
Ang mga POGO workers ay papatawan ng withholding tax na katumbas ng 25% ng kanilang pinagsamang salaries, wages, annuities, compensation, remuneration at iba pa tulad ng allowances at honoraria na katumbas ng minimum annual gross income P600,000.
Papatawan naman ng 5% franchise tax ang annual gross revenue ng mga POGO kapalit ng fees at franchise tax na sinisingil ng PAGCOR at special economic zones.
Hindi na sisingilin ng gaming tax ang service providers ng mga POGO ngunit papatawan sila ng 30% na tax sa annual income ng mga ito batay sa section 27 ng NIRC.