Suportado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty para sa mga sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, mas lumalakas kasi ang loob ng mga kriminal na sangkot sa iligal na droga dahil walang mabigat na parusang ipapataw sa kanilang iligal na aktibidad.
Gayunman, nilinaw ni Villanueva na ang parusang bitay ay nararapat lamang sa mga bigtime drug traffickers kasama na riito ang mga dayuhan at lokal na supplier at hindi ang mga maliliit na tulak ng droga.
Ito’y upang mabigyan pa ang mga ito ng pagkakataon na magbagong- buhay.
Kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ang kaniyang naising maipasa na ang death penalty sa bansa.