Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio TrillanesIV, scare tactic lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nito na mulingbuksan ang issue hinggil sa Disbursement Acceleration Program o DAP.
Ayon kay Trillanes, ito ay isang paraan ni Duterte paraibully ang kanyang mga kalaban sa politika lalo na ang mga taga Liberal Party oLP na nais niyang manahimik na lang sa mga issues.
Kumbinsido si Trillanes na ginagamit ng pangulo napanakot dap para wala ng gumalaw at sumuporta sa impeachment na inihain sakamara laban sa kanya.
Sabi ni Trillanes, hindi nila ikinakatinag ang pagbuhayni Duterte sa DAP issue.
Sa kanyang panig, ay namigay pa ng dokumento si Trillanessa media na nagpapakita kung saang mga proyekto napunta ang kanyang DAP fund,pati ang kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Kumpyansa si Trillanes na walang maisasampang kaso labansa kanya si Pangulong Duterte dahil ang mga proyektong binuhusan niya ng PDAF atDAP fund ay naeksamin at lumusot na sa Commission on Audit.
Isa pang pananakot o pambubully ni Duterte sa kanyang mgakritiko na inihalimbawa ni Trillanes ay ang pagpapakulong kay Sen. Leila DeLima.
Binanggit din ni Trillanes ang inihayag ni Duterte napagpapareview sa kaso ng umanoy pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles,bilang panakot naman sa mga kongresista para huwag ng mga itong paboran angpagpapaimpeach sa kanya.
Pagbuhay sa DAP issue, paraan ng pambubully ni Pangulong Duterte
Facebook Comments