Pagbuhay sa Death Penalty, nakatakdang pagbotohan bukas

MANILA, PHILIPPINES – Nakatakdang pagbotohan bukas ang panukalang pagbuhay sa death penalty.

 

Ayon kay kabayan party list representative Harry Roque, kabilang sa mga tutol sa panukala – tanging pag-asa na lamang para hindi maipatupad ang parusang bitay sa bansa ay ang ¬senado.

 

Bukod dito, iaakyat din nila ang usapin sa Korte Suprema.

 

Sinabi ni Roque na nagbago na ang isip ng mga kasamahan nila na kontra noon sa nasabing panukala kaya lalong nawalan na ang puwersa ang mga ito na harangin ang pagpapatibay dito.

 

Sa ginawang interpelasyon ng mga mambabatas, inaprubahan na ang substitute bill kung saan apat na heinous crime ang paparusahan ng bitay tulad ng treason, plunder, rape with homicide at drug related cases.

 

Samantala, itutuloy ngayong araw ang period of amendments sa nasabing panukala kung hindi magbabago ang plano ni House Speaker Pantaleon Alvarez.



 

Facebook Comments