MANILA – Kasunod ng paparating na Miss Universe pageant sa Jan. 30 inaaasahang ngayong araw at bukas ang pagbugso ng pagdating ng mga kandidata sa bansa.Sa interview ng RMN kay PNP task force on Miss Universe Head S/Supt. Emmanuel Licup – kinumpirma nito na aabot sa tatlumput tatlong kandidata ang darating sa bansa ngayong araw, kasama ang kanilang mga supports staff at ilan pang opsiyal ng Miss Universe Organization (MUO).Tiniyak naman ni Licup na nakalatag na ang seguridad sa mga kandidata mula sa paliparan hanggang sa rutang dadaan ng mga ito papunta sa kanilang hotel.Batay sa napagkasunduan ng mga otoridad at mga opisyal ng M-U-O, sinabi ni Licup na isang pulis personnel ang kanilang itinalaga na magbabantay sa kada apat na kandidata para sa kanilang mga aktibidad habang sa kanilang night off ay one is to one ang ratio.Upang hindi naman ma-“starstruck” ang mga itatalagang police personnel, sinabi ng opisyal na isinailalim ang mga ito sa training lalo na sa mga bawal nilang gawin habang naka-duty.Samantala, magsisilbi naman bilang active support role sa PNP ang Armed Forces of the Philippines sa para sa pagbibigay seguridad lalo na may event ang Miss Universe sa Davao City.
Pagbuhos Ng Malaking Bilang Ng Mga Kandidata Ng Miss Universe – Darating Ngayong Araw…..Seguridad Sa Paliparan At Hotel
Facebook Comments