Tinawag ni Senador JV Ejercito na bullying ang pagbuntot ng isang barko ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels na patungong ayungin shoal sa west philippine sea.
Ayon sa United States-Based Security Monitoring Group, hindi ito ang unang beses na binuntutan ng Chinese counterparts ang PCG vessel sa nabanggit na bahagi ng Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ).
Noong linggo ay nagtungo ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo sa ayungin shoal at binuntutan ito ng Chinese-flagged vessel na dati nang nasa lugar.
Pumuwesto umano ang dalawang barko ng PCG sa east side ng Ayungin habang pumosisyon naman ang CCG vessel para harangan ang anumang pagtatangka na makapasok sa shoal.
Linggo ng hapon nang tumigil ang Malapascua at Malabrigo sa labas ng shoal, mga isang kilometro mula sa Sierra Madre na nasa loob ng shoal.