Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Angara sa Malakanyang ang pagbuo ng “Bangon Marawi Fund”.
Gagamitin ang nasabing pondo sa rehabilitasyon ng Marawi na inatake ng Maute terror group pagbangon ng mga residente nito.
Ipinaliwanag ni Angara na maaring makuha ang seed money para Bangon Marawi Fund” mula sa nakalaang P21.8 Bilyon Calamity Fund ngayong 2017.
Ang dagdag na pondo ay maaring ipaloob sa isusumite ng palasyo sa kongreso na 2018 national budget.
Tinukoy din ni Angara ang P6 Bilyon Quick Reaction Fund na nasa anim na government agencies na ang mandato ay magkaloob ng agarang tulong sa mga biktima ng sakuna tulad ng mga taga Marawi na nasa mga evacuation centers.
Dagdag pa ni Angara, dapat ngayon pa lang ay mayroon ng nagsasagawa ng assessments o preliminary inventory sa naging pinsala para mailatag kung paano ito maibabangon.