Tiniyak ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na buo at epektibong pagpapatupad ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea.
Committed din ang ASEAN leaders na mabilis na pagbuo ng epektibong Code of Conduct sa rehiyon.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang country coordinator para sa ASEAN-China, kung saan pangungunahan ang dayalogo tungkol planong Code of Conduct hanggang 2021.
Sa ilalim ng Regional Code of Conduct, maiiwasan nito ang anumang sigalot sa territorial claims sa West Philippine Sea at hindi na mauwi sa marahas na komprontasyon o mas malala ay giyera.
Pinabibilis na ang Code of Conduct kasunod na rin ng komprontasyon ng China sa iba pang bansang may claim din sa rehiyon tulad ng Pilipinas at Vietnam.