Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na layong magtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Sa viva voce voting ay pinagtibay ang House Bill 5989 o ang Disaster Resilience Act na siyang isa sa priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang siyang pangunahing ahensya na mangunguna sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery, and rehabilitation matapos ang kalamidad.
Mapapasailalim ng DDR ang Office of Civil Defense (OCD) bilang pangunahing organisasyon gayundin ang Climate Change Commission Office, Health Emergency Management Bureau ng Department of Health (DOH), at Disaster Response Assistance and the Disaster Response Management Bureau ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda ng panukala, makakatulong sa bansa ang DDR para harapin ang mga kalamidad at emergencies hindi bilang ‘unfortunate incident’ kundi peligro na maaaring pahupain o bawasan ang matinding epekto sa bansa.