Manila, Philippines – Nagkasundo ang grupong Community-Based Drug Rehabilitation Alliance o COBRA at si Vice President of Leni Robredo na palakasin ang community-based rehabilitation approach sa kampanya kontra droga.
Ayon kay Undersecretary Philip Dy, Chief of Staff ni VP Leni, mangangailangan ito ng ganap na pakikipagkaisa ng mga Local Government Units (LGUs).
Napag-usapan sa pulong kahapon kung paanong mabibigyang kapasidad ang mga LGUs sa implementasyon ng community-based drug rehabilitation programs.
Isa sa nakikita nila ay ang pagpapalakas sa mandato ng ang Anti-Drug Abuse Councils na ang direksyon na ay moving forward.
Magiging papel aniya ng BDAC ay ang pagtiyak na mayroong validated information at validated data pagdating sa tunay na bilang ng mga drug users sa kanilang lugar.
Aniya, upang mapatibay ang mga balaking ito, mainam na mapalakas ang partnership sa Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) at iba pang key agencies na may mahalagang gampanin sa war on drugs ng gobyerno.