Pagbuo ng mga tinatawag na military tribunal, possible sa panahon ng Batas Militar ayon sa DOJ

Manila, Philippines – Posible ang pagbuo ng mga tinatawag na military tribunal sa panahon ng Batas Militar.

Ito ang pananaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sakaling hindi na makapag-operate ang mga hukuman sa mga lugar na saklaw ng Martial Law.

Ayon Kay Aguirre na ang Martial Law Administrator ang may kapangyarihan na bumuo ng military tribunal para litisin ang mga indibidwal na maaaresto dahil sa hinalang sangkot sa rebelyon sa Mindanao.


Pero paglilinaw ng kalihim, hindi pa maaring ipatupad ngayon ang pagbuo sa military tribunal dahil gumagana pa namang lahat ang mga korte sa Mindanao.

Katunayan, nuong Myerkules, iniutos ni Court Administrator Jose Midas Marquez ang pagbuo ng Marawi Regional Trial Court skeletal force sa Iligan City Hall of Justice na magiging pansamantala nitong tanggapan.
DZXL558

Facebook Comments