Thursday, March 12, 2026

Pagbuo ng national contingency plan para sa major domestic at international crisis, pasado na sa Senado

Pinagtibay ng Mataas na Kapulungan ang resolusyon na humihikayat sa ehekutibo na bumuo ng isang National Contingency Plan sa gitna ng inaasahan pang epekto ng tensyon sa Middle East.

Sa Senate Resolution 343, nananawagan ang mga senador sa executive branch na bumuo at magsumite sa loob ng 15 araw ng isang komprehensibong National Contingencies Plan para sa paghahanda, pagtugon at pagbangon mula sa major domestic at international crisis.

Isang national crisis coordination structure ang pinabubuo sa ilalim ng contingency plan upang matukoy ang papel ng bawat ahensya sa isang national emergency na hinati sa mga kategorya.

Bubusisiin naman ng Senado ang plano para matukoy kung sapat at praktikal ang mga hakbang.

Maaari ring gamiting batayan ito para sa posibleng pagpasa ng isang National Crisis Management Act na mag-iinstitutionalize sa contingency plan.

Facebook Comments