
Kasunod ng deployment ng Philippine Emergency Medical Assistance Team o PEMAT na tumulong sa mga biktima ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar, bubuo na rin ang Department of Health (DOH) ng world-class emergency medical response teams na tututok kapag may kalamidad sa bansa.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na makatutulong ang isang national team para sa mabilis na deployment at ekspertong pagresponde sa malalaking kalamidad.
Sa ngayon, mas marami pang PEMAT ang kanilang dine-develop sa mga pangunahing rehiyon, partikular sa Southern Philippines Medical Center sa Davao at Cotabato Regional Medical Center sa Mindanao.
Kabilang din sa mga lugar na target paglagyan ng PEMAT units ay ang Central Luzon, Metro Manila, at Visayas.
Kaugnay nito, ipinagmalaki ng DOH na mas maagang nakapagsimula ng operasyon sa Myanmar ang PEMAT kumpara sa mas mayayamang bansa sa ASEAN gaya ng Singapore.
Nabatid na ang bansa ay mayroong tatlong emergency teams na sertipikado ng World Health Organization (WHO).
Ito ay mula sa 52 grupo na WHO-certified, worldwide.