Visibility ng road enforcers at mahigpit na pagpapatupad ng traffic laws ngayong Semana Santa, pinatitiyak ng isang senador

Pinakikilos ng isang senador ang transportation agencies na makipag-ugnayan sa LGUs para matiyak ang visibility ng road enforcers at mahigpit na pagpapatupad ng traffic laws at regulations ngayong Semana Santa.

Ayon kay Senator Grace Poe, ang mga aksidente sa kalsada na ikinasawi na ng ilang kababayan ay nakapanlulumo na at dapat na tugunan agad ng mga kaukulang ahensya.

Hindi na aniya natin kakayanin ang mas marami pang motoristang mapapahamak ngayong Holy Week break na inaasahan ang pagbiyahe ng maraming kababayan.


Muli ring kinalampag ni Poe ang pagapruba sa panukalang paglikha ng independent transportation safety board na siyang tututok sa mga insidente sa lahat ng transportasyon.

Ang board ay may mandatong makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagpapahusay ng safety measures sa transportasyon at tiyaking ang maayos na implementasyon nito.

Facebook Comments