Pasado na sa Senado ang ikatlo at huling pagbasa ng panukalang bubuo sa Philippine Space Agency o tatawaging PhilSA.
Iniakda ni Senador Bam Aquino ang Senate Bill No. 1983 o the Act Establishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.
Nakasaad sa batas na bubuin ang inimungkahing ahensya para maging strategic roadmap ng bansa sa space development.
Pahayag ni Aquino, makatutulong ang space program na mapabuti ang disaster management sa pamamagitan ng satellite monitoring.
Kung tuluyan maaprubahan ni Pangulong Duterte, itatayo ang opisina sa Clark Special Economic Zone na sakop ng Pampanga at Tarlac. Aabot sa isang bilyon piso ang pagpapagawa nito. Manggagaling ang pondo sa Office of the President.
Tumulong din sina Senador Tito Sotto, Loren Legarda, at Sonny Angara para maging possible ang batas na ito.
Facebook Comments