Pagbuo ng Sierra Madre Development Authority, isinulong ni Representative Nograles kasunod ng paghagupit ng Bagyong Karding

Muling nanawagan si Rizal Representative Fidel Nograles na ipasa ang House Bill 1972 o ang panukalang pagtatag sa Sierra Madre Development Authority (SDMA) upang protektahan ang bulubundukin.

Mababatid na ito ang nagpahina kay Bagyong Karding dahilan para maprotektahan ang malaking bahagi ng Luzon sa mas malaking pinsala.

Paliwanag ni Nograles, makakatulong ang SMDA sa pag-preserve sa Sierra Madre ngayong humaharap ang Pilipinas maging ang buond mundo sa lumalalang climate crisis.


Sa pamamagitan nito ay pamumunuan ng gobyerno ang kampanya laban sa illegal logging at pagsulong sa reforestation at mapigilan ang paglagay ng mga ilegal na imprastraktura sa naturang mountain range.

Mababatid na isa sa mga pinagkukuhanan ng tubig ng malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila ang Sierra Madre.

Facebook Comments