Vice President Sara Duterte-Carpio, nasa Japan na upang dumalo ng state funeral ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe

381

Dumating na sa Japan si Vice President Sara Duterte-Carpio upang dumalo sa state funeral ng dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sinalubong ito ni Japan Prime Minister Fumio Kishida kahapon at nakatakdang magdaos ng bilateral meeting sa Akasaka Palace State Guest House sa Tokyo.

Mababatid na inanunsyo ni Duterte-Carpio na dadalo nga ito ng state funeral ni Abe upang magpaabot ng liham ng pakikiramay mula sa ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos.


Nakatakda ring dumalo sa state funeral ang ilan pang world leaders tulad nina US Vice President Kamala Harris, South Korean Prime Minister Han Duck Soo at Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc.

Facebook Comments