Pinagiisipan ng Philippine National Police ang pagbuo ng Special Investigation Task Group o SITG para sa mas mabilis na ikareresolba ng kaso ng pagpatay sa dating alkalde ng Mellin Cebu na si Ricardo Ramirez.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde kung kakailanganin talaga ay bubuo sila ng SITG pero pinagaaralan pa nila ito.
Medyo shocking aniya ang pangyayari kaya dapat maimbestigahan rin maging ang ipinatupad na seguridad ng BJMP.
Maari aniyang nagpaka kampante ang mga tauhan ng BJMP na nagbabantay sa dating alkalde sa ospital kaya napatay ang dating mayor ng umanoy 15 mga armadong lalaki.
Natukoy rin ni Albayalde na kabilang sa drug watchlist ng PNP ang nasawing si dating Mayor Ramirez.
Facebook Comments