Pagbuo ng tanggapan sa Office of the President na nakatuon sa kalamidad, iminungkahi ni Senator Lacson

May mungkahi si Senator Panfilo Ping Lacson na mas praktikal at mas makakatipid ang gobyerno sa halip na itatag ang Department of Disaster Resilience.

Suhestyon ni Lacson, mas mainam na bumuo ng isang tanggapan sa ilalim ng Office of the President na nakatuon sa kalamidad at may mas mababa na kakailanganing pondo at kaunti ang staff at personnel.

Ayon kay Lacson, papamunuan ito ng may ranggong gabinete na may kapangyarihang pakilusin ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno bago, sa panahon at pagkatapos ng kalamidad.


Paliwanag ni Lacson, ang naturang tanggapan ang gagawa ng patakaran, magpaplano at magpapatupad ng mga hakbangin para sa paghahanda sa kalamidad hanggang sa rehabilitasyon.

Dagdag pa ni Lacson, mas nakahihigit ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council na council type organization lang kaya limitado ang kapabilidad sa pakikipag-koordinasyon lamang.

Facebook Comments