Pagbuo ng task force para ipatupad ang Smoking Ban sa Cagayan de Oro, pinaplano ng konseho

Cagayan De Oro – Plano ngayon ng konseho ng Cagayan de Oro na bumuo ng task force na siyang tututok sa pagpatupad ng Executive Order 26 na Smoking Ban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Konsehal Lourdes Gaane, ang Chairman ng Committee on Health sa konseho dito sa syudad.

Plano rin nila na kabilang sa ipagbabawal, ang electronic cigarette.


Matandaan na noong Hulyo 23 nitong taon pormal nang ipinatupad sa buong Pilipinas ang Smoking Ban base sa Executive Order ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments