Pagbuo ng tricycle task force, Iniutos ng DILG sa mga LGUs

Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga Local Chief Executives na magtatag na ng sariling ‘tricycle task force’ na bubuo ng ‘tricycle route plan’ sa kani-kanilang nasasakupan.

Kasunod ito ng obserbasyon ng ahensiya  na may mga pasaway na tricycle driver na patuloy na dumadaan sa mga pangunahing kalsada na nagiging sanhi ng aksidente at masikip na daloy ng trapiko.

Kaugnay pa rin ito sa kautusan na nagbabawal sa mga tricycle, pedicabs, motorized pedicabs at habal-habal na dumaan  sa ‘main at national highways’ bunsod na rin ng road clearing operations ng pamahalaan.


Aniya, dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at ang pulis at siguruhing maipapatupad ang pagbabawal sa mga ito sa lansangan.

Babala ng kalihim, ang hindi susunod na LGUs sa kanyang direktiba ay iisyuhan ng show-cause order na magsisibing ‘ground’ para sampahan ng kasong administratibo na maaaring ikasibak nila sa posisyon.

Facebook Comments