Itinanggi ng Malacañang na sangkot sila sa “troll farms” ng isang opisyal ng gobyerno para siraan ang mga kritiko at mga posibleng makalaban ng mga kandidato ng Duterte administration sa 2022 elections.
Kasunod ito ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na isang undersecretary ng pamahalaan ang nagsimula ng bumuo ng mga troll sa mga probinsya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala silang alam dito at hindi ito ang polisiya ng gobyerno.
Kung mayroon man aniyang ganitong pagkilos, posibleng ginagawa ito ng ilang indibidwal sa sarili nilang kapasidad.
“Wala po kaming alam diyan. Hindi po iyan polisiya ng gobyerno. Kung ginagawa po iyan ng taong gobyerno, siguro ginagawa nila iyan in their personal capacities,” ani Roque.
Facebook Comments