Kinondena ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ang pagkakabuo ng gobyerno sa Inter-Agency Anti-Corruption Coordinating Council (IAACCC).
Ito ay sa kabila ng kontrobersiya kaugnay sa overpricing ng mga kagamitan laban sa sakit na COVID-19.
Ayon kay Zarate, pwede umanong gamitin ang pagkakatatag ng IAACCC upang ilihis ang atensyon ng publiko sa mga isyu ng korupsyon na kinakaharap ng administrasyong Duterte.
Matatandaang naglabas ang Commission on Audit (COA) ng report kaugnay sa mga iregularidad ng ilang ahensya kung saan kabilang dito ang hindi naibigay na Special Risk Allowance para sa mga health worker.
Facebook Comments